ang mama’t papa ko ay mula sa mabait at buong pamilya kay hindi ako nag-aalala na mangyari sa mga magulang ko.. and of course, i know they love each other.. i can see that in their eyes.. and well, i am happy for them. i am happy for us.. i am happy for me self..
walong magkakapatid sila papa.. maayos sila dahil kahit kulang sa panggastos, masisipag sila.. lagi ngang sinasabi nila lola ko na hindi pinasakit ang ulo nila noon, unlike us daw.. kaya ngayon, lima sa kanila may kanya kanyang trabaho sa ibang bansa at lumikita ng maganda.. isa na dun ang papa ko.. ang isa naman, may posisyon sa zone admin dito sa amin.. at ung iba, sa business nakatuon.. nakakatuwa dahil nagsikap silang lahat..
kung nagkataong tamad ang papa ko at katulad ng mga amang tambay dito sa amin, baka hindi na ko nag aaral ngayon sa college level at nagtatrabaho na sa zone na malapit na daw magsara.. hindi kami makakaalis sa dati naming bahay na kulangna lang magsisikan kami para lang makadaan, at kung tutuusin, isang kwarto lang yun.. bedroom cum dining room cum living room cum kitchen at kung anu ano pang cum.. grabeng drama un.. eh ang lalaki pa naman namin… at ang CR, good lord.. kulang na lang masuka ka sa amoy at pwede ka pang masilipan dahil pangpubliko un.. pati kubeta.. pero in fainess, nakatagal kami dun.. heheheheh.. masay dn naman dun.. kasi mga kapitbahay namin, mga kababayan at pinsan ni papa ko.. mga iloccano..
sila mama ko naman, pitong magkakapatid.. hindi nga lang kasing ayos ng buhay nila papa ang buhay ng mga kapatid ni mama.. mahirap kasi ang buhay sa bagac.. at kumikita mga tita tito ko dun sa side line.. mga pinsan kong babae, kahit pa lalaki, may mga anak na bago pa makapag eighteen.. lang ya.. kaya nga si mama ko eh super bantay sakin eh.. cant blame her.. kasi ung mga pinsan kong un, may mga nalalaman pang mga pangako na di mag- aasawa hanggang hindi nakakatulong.. dun din natuloy.. siguro iniisip nilang tumakas sa buhay nilang mahirap.. hindi lang nila alm na mas mahirap na ung pinasok nila.. una dun, syempre kasal, sa kukuha ng panggastos?? pangalawa, kapag nanganak, saan kukuha ng panggastos?? pangatlo, pag nandyan na ang baby, san kukha ng panggastos?? at pag walang matirhan, san sila pupunta?? edi babalik din sa mga magulang nila..! ayun, nadagdagan pa ng bibig na pakakainin..
hindi naman sa kinokontra ko ang pag-aasawa at pag-aanak.. makakapaghintay naman yun diba.. ang buhay hindi naman fertile ka ngayon, baog ka bukas.. may tamang panahon para sa lahat ng bagay, learn to wait.. wag kang atat.. life is not what it seems, you have to learn how to deal with it if not, youll drown yourself to a nightmare you made for yourself..
(iniisip ko kung ikukwento ko pa ang lovelife na mama’t papa ko.. hahahahah..)
summary na lang…. wala pa silang one year na magsyota, nagpakasal na sila dahil may mga tsismis daw na kumakalat na butis ang mama ko.. kaya nag-aya na ang papa ko at pumayag naman si mama.. hahahah.. nugn mga time na un, nagpaalaga na si papa ng baboy at manok kila lola ko.. ayun.. botong boto nga si nanang ko kay papa para kay mama eh.. kaya nandito na kami..
honeymoon baby ako.. ang sabi ni mama ko, pinaglihi daw ako sa tsaa at sunog na longganisa kaya morena ako.. harhar.. syempre, special ako dahil unang anak eh.. ang kwento ng mama ko, ang pasalubong daw ni papa sa akin noon, pringles, picnic, etc.. at in fairness, 5 years old na daw ako, karga pa ako lagi ni papa.. nung day care, may nakuha naman akong award, best in scribbler.. hahahah.. then nung kinder, first honor sa batch ng panghapon.. best in english ata un tsaka math.. well well.. i love math naman talaga.. pero ang english?? i doubt.. minsan depende na rin sa guro namin eh.. kung pangit na nga siya, wala pang kwentang magturo, wag na lang.. ganun na nga, ibabagsak ka pa?? merong mga ganun.. hahahah.. tanggalin na pala ung word na pangit, masyado namang mahalay yun.. pero sa lahat ng subject namin na ganun, ang pinakagusto ko ay ang klase namin kay maam legaspi, world literature.. talagang nag eenjoy ako sa klase niya.. malamang dahil un sa pagkahumaling ko sa mga libro.. bookworm.. minsan nga, mas gusto kong basahin ang mga librong may kwento kumpara sa mga textbooks namin eh..
nasa day care na ko ng masundan ako ng kapatid.. i dont think na nagselos ako sa kapatid ko noon.. actually, sa pagkakatanda ko, nagrerequest pa ko na magkaroon ng kapatid.. kaya eto na siya ngayon.. 14 years old at may mga naging gf na.. daig pa ko.. no boyfriend since birth ang drama ng lola mo eh.. as usual, tulad ng mga typical ng kabataang lalaki, pasaway at akala ba sa sarili na alam na niya ang lahat at kung makaasta akala mo ay hari.. napapatawag pa nga ang mama ko dahil sa kanya at minsan pa dahil sa bagsak na grades.. well, despite all those things, i love him.. he is the secong man or boy or whatever i love most.. first of course is my father..
ang buso naman namin ay kambal.. grade four naman ako nung dumating sila sa mundo.. and know what, muntik nang kunin ni lord ang mama ko.. umabot kasi sa puso ung manas niya eh.. but then, she survived.. naramdaman siguro ni papa god na kailangan namin siya.. na kailangan siya ng papa ko.. na kailangan pa namin siyang magkakapatid.. ^^ now, grade two na silang dalawa at malamang na grade three na sila sa pasukan.. sobrang kulit nila pero minsan ok lang dahil sila ang nagpapaingay ng bahay namin.. minsan lang sobra na rin.. matutulog na lang, nagkukwentuhan pa.. akala mo ba matatanda.. lahat na lang ata ng isuue a maisip nila, pinag-uuspan.. ngayon nga, habang ginagawa ko to, ang gulo gulo nila.. 10:28 na, naglalaro pa.. nakailang bawal na ko, hindi naman nakikinig.. naku. pero mas maganda naman ito eh, siguradong mamimiss namin to kapag malaki na sila.. one thing pa pala, unexpected ang pagkabuo sa kanila.. kasi protected naman daw si mama noon.. kay blessing talaga siguro sila sa amin.. ^^ baka they just got too excited to do whatever they wanted to do kaya nakalusot.. hahahah….! ^^
may 28, 2007 nung umalis sila papa at tito jhun papuntang spain.. actually it was painful pero kailangan eh.. nakakalungkot lang dahil hindi namin naasikaso si papa nung umalis sila dahil enrolment ko nun.. naggala pa nga sila sa corregidor eh!! mga pinsan ko, pipakita sakin ung mga sticker nila dun..ahahahah.. dumating din nun sila tito noli ko, tita elen at kuya jun jun.. sila ung nag-asikaso na mga kailangan nila papa sa ibang bansa kaya un.. before sila umalis, dami ng mga utang namin.. kila tita aisah.. at sa iba pa.. naibenta din ung tricycle namin.. na maayos nung hawak pa ni papa pero mukha ng rugby boy ngayon.. now now now.. nakaraos na.. although may mga utang pa, hindi na katulad ng dati.. ^^
now now, nakalipat na kami.. hopefuly, maiaward na sa amin tong bahay namin para maipaayos ung sa labas.. malaki din to kumapara dun sa dati.. merong tatlong kwarto, kusina, extension sa harap at may garden na rin..at ang unang package na padala ni papa, kasama itong computer set namin.. kaya araw araw halos, magkachat sina mama at papa.. ^^
bait talaga ni lord nof mga kapatid?? ^^
nagpapasalamat ako sa lahat ng mga taong tumulong sa amin, sa mga taong, hindi kami iniwan nung mga panahon na nangangailangan kami.. sa mga tao namang pilit tumulong sa amin, salamat na rin.. di ko na lang sasabihin names nila pero masama ang loob ko.. ayoko kasi ng ugali nun eh.. grr.. ganun pa man, god bless us all.. ^^ sana lagi maging maayos lahat lahat ng mga mahal ko sa buhay at mga nagmamahal sa amin anu pa man.. pagpalain nawa kayo ng poong may kapal.. ^^ wag kayong mag-alala, may panahon para sa lahat.. darating ang panahon na ibabalik yan sa inyo ng panginoon, may interes pa.. ^^
sa pamilya ko, salamat sa lahat at mahal ko kayo..